Hinimok ng isang health expert ang gobyerno na magsagawa ng imbestigasyon sa mga sanhi ng pag-aalangan sa bakuna sa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng pagbaba ng pananaw sa kahalagahan ng mga bakuna para sa mga batang Pilipino.
Sinabi ng UNICEF health specialist na si Dr. Carla Orozco na ang mga sanhi ng pag-aalangan sa bakuna ay dapat matukoy muna upang matugunan ang problema.
Ayon sa ulat ng UNICEF, bumaba kasi ng 25% ang pananaw sa kahalagahan ng mga bakuna para sa mga bata sa Pilipinas sa panahon ng pandemya ng COVID-19.
Kung matatandaan, ang Pilipinas ay may isang milyong zero dose na bakuna na mga bata na kung saan pangalawa sa pinakamataas sa East Asia at Pacific Region, at ikalima namang pinakamataas sa buong mundo.
Una nang iniulat ng ahensya na hindi bababa sa 67 milyong bata sa buong mundo ang hindi nakatanggap ng mga pagbabakuna sa pagitan ng 2019 at 2021, na may pagbaba ng mga antas ng saklaw ng pagbabakuna sa 112 na bansa.
Binigyang diin din ni Orozco na maaari ding suportahan ng DOH ang komunidad sa pamamagitan ng interbensyon at pagpapatupad ng mga programa batay sa mga dahilan o sitwasyon sa isang komunidad.