-- Advertisements --
Napili bilang Oxford word of the year ang salitang “goblin mode”.
Ang nasabing salita ay nangangahulugan bilang pagiging tamad o ang tao na nais na walang gagawin.
Ayon sa Oxford University Press na siyang naglilimbag ng Oxford English Dictionary na ang salita ay isang uri ng slang term na ginagamit tuwing ang isang tao ay nasa “goblin mode”.
Nagsimulang lumabas sa mga online ang salita noon pang 2009 subalit ito ay sumikat lamang ngayong taon mula sa isang scandal na kinasasangkutan ng actress at model na si Julia Fox.
Bilang pagluluwag na rin ng COVID-19 restrictions ay lumawak pa ang nasabing salita kung saan napagtanto ng mga tao na hindi na gusto ng mga tao ang bumalik sa dating pamumuhay.