-- Advertisements --
Pinatawan ng Minnesota Timberwolves ng isang larong suspension ang kanilang star center na si Rody Gobert.
Ito ay dahil sa ginawa nitong panununtok sa kasamahan sa koponan na si Kyle Anderson.
Naganap ang insidente ng panununtok nitong Linggo sa laban ng koponan kontra New Orleans Pelicans.
Dahil dito ay hindi makakasama si Gobert sa laban nila kontra Los Angeles Lakers para sa play-in tournament sa Miyerkules.










