Nanguna sina Rudy Gobert at Jordan Clarkson na may tig-18 points para mangibabaw ang Utah Jazz laban sa defending champion na Los Angeles Lakers, 114-89.
Ito na ang ika-22 panalo ng Jazz mula sa huli nilang 24 na games.
Nagtala rin si Gobert ng nine rebounds habang sumuporta naman sina Bojan Bogdanovic na may 15 points, si Mike Conley naman ay may 14 points, eight rebounds at eight assists, at si Donovan Mitchell ay nagtapos sa 13 points, 10 rebounds at eight assists.
Sa panig Lakers (22-11) si LeBron James ay nagpakita ng 19 points habang si Montrzel Harrell ay nag-ambag ng 16.
Ito na ang ikaapat na sunod na talo ng LA at ikalima sa anim na laro.
Samantala, ang sunod na laban ng Lakers ay host sila kontra sa Portland Trail Blazers.
Ang Jazz naman ay bibisita sa Miami Heat sa Sabado rin.