-- Advertisements --

Maglalaan ang Globe ng A2P messaging service sa local government units (LGUs) sa Palawan, Visayas, at Mindanao na naapektuhan ng bagyong Odette upang makatulong sa nagpapatuloy nilang community disaster recovery operations.

Sa pamamagitan ng kanilang portfolio company M360, na pinangangasiwaan ng kanilang corporate venture builder 917Ventures, ang Globe ay magbibigay ng libreng SMS blasts sa loob ng 30 araw sa lahat ng LGUs sa Odette-stricken areas upang matulungan silang makapagpadala ng public advisories sa isang pindutan at mas mabilis na maabot ang mas maraming constituents. Nasa 83 bayan na sinalanta ni ‘Odette’ noong Disyembre ang makikinabang sa serbisyo.

Ang libreng SMS blast ay tatagal hanggang February 28, 2022 para sa mga lugar na naibalik na ang wireless networks.

Sa kasalukuyan, ang Globe ay nakapagbigay na ng libreng serbisyo sa mga pangunahing LGUs na labis na sinalanta ng bagyo, kabilang ang Iloilo, Cebu, Bogo, Mandaue, Lapu-Lapu, Cordova, Danao, Bohol, Surigao Del Sur, Surigao del Norte, Southern Leyte, at Palawan.

Ang programa ay bahagi ng adbokasiya ng Globe na lumikha ng resilient communities sa panahon ng krisis gamit ang pinakabagong teknolohiya at matiyak ang kahandaan ng mga tao.

“Globe is in solidarity with our kababayans in places affected by Super Typhoon Odette. We recognize the urgency of bringing messages of hope and clear updates on recovery efforts. With this, we decided to provide free bulk messaging service to affected LGUs through the M360 solution platform, our A2P messaging business under 917Ventures,” wika ni Ramon Hirang, Chief Executive Officer ng M360.

Ayon sa M360, ang libreng serbisyo ay maaaring ilatag sa sandaling mabuo ang kasunduan sa mga tinukoy na LGUs. Ang Globe ay kasalukuyang tumutulong sa mga tanggapan ng pamahalaan na epektibong makipag-ugnayan at makapaghatid ng tulong sa kani-kanilang komunidad.

Binuo ng kompanya ang programa bilang suporta sa nagpapatuloy nitong typhoon-related efforts matapos ang pananalanta ni ‘Odette’, na nakaapekto sa mahigit 8,900 barangays at 8.35 milyong katao.

“Our focus is on ensuring that Globe can effectively respond and recover from major disasters. We also give the highest priority in supporting the government in its disaster recovery efforts by deploying emergency communication solutions,” sabi ni Peter Maquera, Senior Vice President for Globe Business, Enterprise Group.