Napabilang sa pinakamahal na gitarang naibenta ang Fender Skystang I guitar na ginamit ng pumanaw na si Kurt Cobain sa kaniyang huling show.
Ang nasabing gitara ay siyang gamit ni Cobain sa huling show ng banda na ginanap sa Munich, Germany noong Marso 1 , 1994 isang buwan bago ang kaniyang kamatayan.
Nabili ni Japan-based businessman na si Mitsuru Sato ang gitara sa halagang $1,587,500 sa isang auction sa Hard Rock Cafe sa Nashville, Tennessee.
Plano ni Sato na magbukas ng cafe kung saan naka-display ang gitara at ilang mga iconic instruments.
Ang nasabing gitara ay siyang pang-walong pinakamahal na gitara na naibenta sa buong mundo.
Una ay ang gitara ni Eric Clapton na 1964 Gibson SG na “The Fool” na naibenta sa halagang $127 milyon habang nasa listahan ang mga gitara na ginamit ng mga sikat na gitarista gaya nina John Lennon, Jerry Garcia at Eddie Van Halen.
Magugunitang unang naibenta sa halagang mahigit $6 million sa 2020 auciton ang 1959 Martin D-18E acoustic electric na ginamit ni Cobain sa sa MTV Nirvana Unplugged.