-- Advertisements --

Tinanghal bilang bagong Prime Minister ng Italy si far-right leader Giorgia Meloni.

Dahil dito ay magiging siya ang unang babaeng mamumuno sa nasabing puwesto.

Nagwagi kasi ang kaniyang Brothers of Italy Party noong Setyembre 25 election.

Ang 45-anyos na si Meloni na mula Roma ay papangalan ang mga magiging minsters nito na manunumpa kay President Sergio Mattarella sa darating na Linggo.

Ang partido kasi nito ay nakakuha ng 26 percent ng boto noong nakaraang buwan kumpara sa katunggali nitong Forza Italia at Far-right League.

Papalitan nito si Mario Draghi na nagsimulang maupo sa puwesto noong Pebrero 2021.