Ginulat ng dating MVP na si James Harden ang kanyang team na Houston Rockets sa unang pagbabalik nila sa practice.
Kung maalala huli kasing dumating si Harden sa pagtitipon ng 22 mga teams sa Orlando, Florida dahil sa may inayos pa itong isyu sa pamilya.
Ayon kay Rockets coach Mike D’Antoni, sa unang 30 segundo ay medyo may kalawang pa raw ang mga galaw nito pero pagkatapos nito, nagulat sila na nasa kondisyon pa rin ito.
Inamin naman ni Harden na mahigit isang buwan na rin ang nakalipas at ngayon lamang siya nakalaro ulit ng “5 on 5.”
Ayon sa kanyang teammates, mistula umanong bumalik ang matinding diskarte sa loob ng court ni Harden kahit mahigit apat na buwan na na-lay off sila.
Kung maalala bago mag-lockdown ang NBA, nasa 34.4 points per game ang average ni James.
Sa July 30 na ang muling pagbabalik ng mga laro sa NBA.
Samantala, inaantay pa ng Rockets ang pagdating naman nina Russell Westbrook at ang bagong dagdag na si Luc Mbah a Moute.
Ilang araw na ang nakakalipas na nag-anunsiyo si WestBrook na nagpositibo rin siya sa COVID-19.