-- Advertisements --

Naitabla ng Barangay Ginebra sa 2-2 ang kanilang best of seven finals series laban sa Meralco Bolts nang manaig sa score na 95-84.

Kapwa nagtala ng tig-27 points si Justine Brownlee at Scottie Thompson habang mayroong 17 points si LA Tenorio, 11 points naman ang naitala ni Christian Standhardinger at 9 points kay Jeff Chan.

Pinatunayan ni Brownlee ang pagiging Best Import of the Conference habang Best Player of the Conference naman si Thompson.

Sa simula ng laro ay nagkaroon ng palitan ng puntos kung saan nagtabla ito ng 41 all sa pagtatapos ng second quarter.

Pagpasok ng third quarter ay doon na umarangkada ang Ginebra.

Nasayang naman ang nagawang 25 points ni Tony Bishop habang 15 points ni Chris Newsome ng Bolts.