-- Advertisements --
Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Blackwater 105-86 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup sa Philsport Arena.
Nanguna sa panalo ng Ginebra si Christian Standhardinger na nagtala ng 33 points, anim na rebounds, limang assits at isang block.
Mayroon ng apat na panalo at tatlong talo ang Ginebra habang ang Bossing ay mayroong tatlong panalo at apat na talo.
Sa simula ay hawak ng Gin Kings ang kalamangan kung saan umabot pa sa 30 points ang lamang nila sa third quarter.