-- Advertisements --
Pinatikim ng Barangay Ginebra ang unang talo ng Magnolia Hotshots 103-97 sa PBA Commissioner’s Cup.
Naging bayani sa panalo ng koponan si Justin Brownlee na nagtala ng 26 points at 12 rebounds.
Nag-ambag naman ng 18 points at 14 rebounds si Jamie Malonzo habang mayroong 14 points, apat rebounds at anim na rebounds si Scottie Thompsons.
Lumakas ang sigawan ng mahigit 12,000 fans na nanood sa MOA Arena ng maipasok ni Brownlee ang kaniyang fadeaway jumper sa natitirang 1:19 ng last quarter at madala ang Ginebra sa 99-97 na kalamangan.
Ikinatuwa naman ni Gins coach Tim Cone ang panalo ngayon lamang sila nagwagi sa “Manila Clasico” mula noong 2019 Governor’s Cup.