-- Advertisements --

Pinataob ng Barangay Ginebra ang NorthPort Batang Pier 106-93 para makapasok na sa semifinals ng PBA Commissioners Cup.

Umarangkada sa panalo ng Gins si Tony Bishop na nagtala ng 31 points, 14 rebounds habang mayroong 21 points si Jamie Malonzo sa laro na ginanap sa Philsport Arena sa Pasig City.

Inamin na Ginebra Tim Cone na naging matindi ang depensa ng NorthPort subalit kanila ito ng nalampasan.

Makakaharap ng Barangay Ginebra sa Semifinals rounds ang San Miguel Beermen na unang tinalo ang Rain or Shine.