-- Advertisements --

Nanatiling walang talo pa rin ang Barangay Ginebra sa apat na laro matapos na talunin ang Phoenix Super LPG 86-71 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Pinangunahan ni Stanley Pringle ang Gins na nagtala ng 20 points habang mayroong 14 points, 10 rebounds si Prince Caperal at 11 points, pitong rebounds, pitong assists at tatlong steals si Scottie Thompson.

Mula pa sa umpisa ng laro ay hindi na hinayaan pa ng Gins na makalamang pa ang Phoenix.

Nasayang naman ang ginawang 15 points ni Jason Perkins at 12 points ni Matthew Wright ng Phoenix na mayroon ng dalawang panalo at dalawang talo.