Nalusutan ng Barangay Ginebra ang Meralco Bolts 112-107.
Bumida sa panalo ng Ginebra si Christian Stanhardinger na mayroong 31 points, 10 rebounds at pitong assists habang mayroong 12 points si Jeremiah Grey. at mayroong 29 points, pitong rebounds at anim na assists si Justine Brownlee.
Naging malaking hamon para sa Ginebra ang laban dahil sa kawalan nina Japeth Aguilar at LA Tenorio na nagpapagaling mula sa injury.
Ito rin ang unang pagkakataon na hindi nakapaglaro si Tenorio.
Umabot kasi sa 744 na magkakasunod ay hindi lumiban si Tenorio mula ng pumasok siya sa PBA noong 2006.
Umabot pa sa 10 points ang kalamangan ng Bolts sa unang quarter hanggang napababa ito ng Ginebra 80-76 sa last quarter.
Mayroon ng limang panalo at dalawang talo ang Ginebra habang ang Bolts ay mayroong limang panalo at apat na talo.