-- Advertisements --

Nalusutan ng Barangay Ginebra ang Blackwater 85-82 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Christian Stanhardinger na nagtala ng 21 points, Japeth Aguilar na mayroong 15 points at Scottie Thompson na may 14 points.

Hawak ng Blackwater ang kalamangan 64-54 sa third quarter hanggang pinaulanan ng Ginebra ng three points ang kalaban.

Nagsanib puwersa sina Thompson at Aguilar para makuha ang kalamangan 82-79 sa natitirang 1:02 ng last quarter.