-- Advertisements --

Binuhat ni Justin Brownlee para makuha ng Barangay Ginebra ang unang panalo 102-90 kontra TNT tropang Giga sa Game 1 ng 2023 PBA Governor’s Cup sa Araneta Coliseum.

Nagtala ng kabuuang 31 points, 12 rebounds at apat na assits si Brownlee kung saan dominado ng Gins ang laro.

Umabot pa sa 18 points ang kalamangan ng Ginebra sa unang game nila ng best-of-seven finals.

Nakapag-ambag naman ng 16 points, 11 rebounds at dalawang assists si Christian Standhardinger habang mayroong 21 points si Jamie Malonzo.

Nasayang naman ang 30 points ni Rondae Hollis-Jefferson at 23 points ni Mikey Williams para sa TNT.