-- Advertisements --

Naitala ng Barangay Ginebra ang pangalawang panalo sa PBA Philippine Cup matapos talunin ang Blackwater 103-99.

Bumida sa panalo si Prince Caperal na nagtala ng 24 points habang mayroong 17 points si Stanley Pringle at 14 points naman kay Scottie Thompson.

Dahil sa panalo ay nasa unang puwesto na ang Ginebra kasama ang TNT Tropang Giga at Phoenix Super LPG na pawang mga mayroong dalawang panalo at walang talo.

Sinabi ni Ginebra head coach Tim Cone na naninibago pa lamang sila sa isinasagawang bubble game sa Pampanga.

Umaasa pa ito na makakapag-adjust na sila kapag patuloy na ang kanilang gagawing ensayo.