-- Advertisements --
Hindi pinaporma ng Barangay Ginebra ang Blackwater Bossing 98-84 sa nagpapatuloy na PBA Commssioners’s Cup.
Ang panalo ay nagdala sa ika-1,000 panalo ni Ginebra coach Tim Cone.
Nagtala ng 17 points si import Justin Brownlee habang mayroong 16 points si Scottie Thompson.
Sa pagtatapos ng first half ay hawak ng Ginebra ang kalamangan hanggang kanila itong napalawak pagdating ng third quarter na umabot pa sa 17 points.
Mayroon ng anim na panalo at tatlong talo ang Ginebra habang ang Bossing ay mayroong tatlong panalo at walong talo.
Nasayang ang nagawang 20 points ni Ato Ular at 11 points, 16 rebounds ni Cameron Krutwig para sa Blackwater.










