-- Advertisements --

Tinambakan ng Gilas Pilipinas Women’s youth team ang Maldives 110-28 sa FIBA U18 Womens’ Asian Championship Division B.

Dahil sa panalo ay nakumpleto nila ang Group A ng walang talo at tiyak ang pagpasok sa semifinals sa laro na ginanap sa Koramangala Indoor Stadium sa India.

Nanguna sa panalo ng Gilas Pilipinas Womens’ youth team si Louna Ozar na nagtala ng 22 points.

Kapwa naman nagtala ng tig-17 points sina Ryhanna Calvert at Kate Bobadilla habang mayroong 14 points, walong rebounds at isang block si Ashley Loon.

Magsisimula ang semifinals sa Setyembre 10 kung saan kailangan ng Pilipinas na mangibabaw sa torneo para sila ay mapromote sa Division A.