Gilas Pilipinas
GILAS PILIPINAS /SBP image

Pasok na sa gold medal match ang Gilas Pilipinas matapos ilampaso ang Indonesia 97-70 sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games.

Nanguna sa panalo si Christian Standhardinger na mayroong 14 points habang mayroong 13 points at walong assists si Matthew Wright.

Nag-ambag naman ng 12 points si Vic Manuel at 11 points kay Chris Ross.

Mula sa simula ng laban ay hindi na hinayaan pa ng Gilas Pilipinas na makalamang pa ang Indonesia.

Susunod na makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Thailand sa Martes, Disyembre 11.