-- Advertisements --

Sinimulan na ng Gilas Pilipinas ang kanilang ensayos para sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa susunod na buwan sa Hanoi, Vietnam.

Pinangunahan ni Gilas Pilpinas coach Chot Reyes ang pagsasanay na ginanap sa Moro Lorenzo Sports sa loob ng Ateneo de Manila University.

Ilan sa mga dumalo sa training ay ang 16-anyos Filipino-American Caelum Harris na ito ang unang paglalaro niya sa SEA Games, kasama rin sina William Navarro, Lebron Lopez at mga PBA players na sina Moala Tautuaa, June Mar Fajardo, Isaac Go, Kevin Alas, Robert Bolick, Troy Rosario at Kib Montalbo.

Bagamat wala sina Thirdy Ravena at Dwight Ramos dahil sa abala ang mga ito sa Basketball League ng Japan ay tiniyak ng Samahang Basektball ng Pilipinas na makakasama ang mga ito sa SEA Games.