Nagsimula na ang Gilas Pilipinas ng kanilang ensayo nitong Lunes ng gabi bilang paghahanda sa Asian Games na gaganapin sa China sa Setyembre 25.
Sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na kumpleto na ang Final 12 na kanilagn isasabak.
Mayroong dagdag na dalawang manlalaro at ito ay sa katauhan nina Calvin Abueva at Jason Perkins na nakasama rin sa ensayo.
Paliwanag ni Cone na ang dalawang manlalaro ay kanilang ipagpapaalam sa Hangzhou Asian Games Organizing Committee dahil hindi sila kasama sa nasabing unang naisumiteng listahan noong Hulyo.
May tsansa na mapayagan sina Abueva at Perkins dahil mayroong injuries ang ilang manlalaro na nasa listahan na sina Jamie Malonzo at Brandon Ganuelas-Rosser.
Ilan sa mga dumalo sa unang araw ng ensayo ay sina June Mar Fajardo, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Ange Kouame, Terrence Romeo, Chris Newsome, Calvin Oftana, Mo Tautuaa, Staley Pringle, Brownlee, Abueva at Perkins.
Nagpakita rin sa ensayo si RR Pogoy pero hindi ito naglaro habang si Stanley Pringle ay magiging alternatibong player ng koponan.