-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng 32ns Southeast Asian Games ang Gilas Pilipinas.

Ito ay matapos talunin nila ang Indonesia 84-76.

Tila nakaganti ang Gilas sa Indonesia ng talunin sila noong nakaraang SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Nanguna sa panalo ng Gilas si naturalized player Justin Brownlee na nagtala ng 34 points, siyam na rebounds at limang assist.

Hawak pa ng Indonesia ang kalamangan sa first half subalit hindi nagpabaya ang Gilas.

Makakaharap ng Gilas sa finals ang host country na Cambodia na tumalo sa kanila nitong Huwebes 79-68.

Gaganapin ang finals sa men’s basketball sa araw ng Martes Mayo 16 ng ala-6 ng gabi.