-- Advertisements --

Pasok na ang Gilas Pilipinas sa huling bahagi ng kanilang preparasyon, bago ang opisyal na pagsisimula ng FIBA World Cup 2023.

Ito ay matapos ang mahigit dalawang buwan na preparasyon ng koponan, sa ilalim ng coaching staff ni Head coach Chot Reyes.

Ayon kay Coach Chot, kailangan na nilang pagsama-samahin lahat ng kanilang natutunan sa kanilang kampanya.

Aniya, kanilang papanuurin ang lahat ng video ng kanilang practice, tune up games, at susumahin ang maaari nilang maipasok sa kanilang opensa at depensa, bago sasabak sa pinakamalaking turneyo ng Basketball

Ayon sa batikang Coach, malaki rin ang naitulong ng katatapos na tune-up games ng Gilas, bagaman natalo sila sa dalawang huli nilang laban.

Nagawa aniya ng mga bagong-pasok na players na sina Jordan Clarkson, Kai Sotto, at Scottie Thompson na maihanay ng mabilis ang kanilang sarili sa Gilas roster.

Maalalang hindi nakasali sina Clarkson, Thompson, at Sotto sa mga naunang practice ng Gilas, habang nabigyan na lamang sila ng pagkakataon na magkakasamang maglaro nitong nakalipas na linggo.