Nasa Bahrain na ang Gilas Pilipinas para pakikibahagi ng second round ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.

Pinangunahan nina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Matt at Mike Nieto, Kobe Paras, Javi Gomez de Liano, Justine Baltazar, Juan Gomez de Liano, Dwight Ramos, Will Navarro, Dave Ildefonso, Calvin Oftana at Kenmark Carino.

Tiwala si Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) Program Director Tab Baldwin na malulusutan nila ang kanilang mga kalaban.

Makakaharap kasi nila ng dalawang beses ang Thailand na una ay sa November 27 at susunod sa November 30.

Mayroon kasing isang panalo at walang talo ang Gilas sa Group A na ang panalo ay nakuha laban sa Indonesia noong Pebrero.