Naipanalo ng Gilas Pilipinas ang ikalawa nitong laban, matapos tambakan ang Team Thailand ng 15 big points.
Dahil dito, hawak na ng national team ang 2 – 0 na kartada, bago ang nakatakda nilang paghaharap sa karibal na Team Jordan sa ilalim ng group C, at nakatakdang isagawa sa araw ng Sabado.
Naging susi pa rin sa panalo ng Gilas Pilipinas si Justin Brownlee sa kanyang 22pts, 15 rebs, 5 assists, at 4 steals.
Nag-ambag naman ng 16pts, 6rebs at 3 steals si Cj Perez.
Nagawa ng Gilas na i-domina ang halos kabuuan ng game, sa likod ng maraming 3-pointers na pinakawalan ng Thailand.
Sa huling kwarter, pinilit pa ng team Thailand na maungusan ang Gilas, matapos ang 18 points na kalamang nila sa pagtatapos ng 3rd quarter, ngunit sa huli ay nagawa ng Gilas na depensahan ang kanilang kalamangan.
Natapos ang laro sa score na 87 – 72, pabor sa Gilas Pilipinas.