-- Advertisements --
Nakatuon na ang atensiyon ng mga Gilas Pilipinas sa nalalapit na 31st Southeast Asian Games.
Karamihan kasi sa mga manlalaro na kinuha ng Gilas Pilipinas ay mga PBA players.
Sinabi ni Gilas player Matthew Wright na dapat hindi hayaan ng Gilas ang pagiging dominante nila sa SEA Games.
Itinuturing kasi na ang Gilas bilang Team USA na mayroong malalakas na manlalaro.
Pagtitiyak na sa mga nakuhang PBA players ay sanay na ang mga ito o mayroong mga chemistry sa isa’t-isa.
Aminado ito na ilan sa mga malalakas na koponan na kanilang makakalaban ay ang Thailand at Vietnam na nag-improve na sa kanilang manlalaro.
Magsisimula ang SEA Games ng Mayo 12 hanggang 23.