-- Advertisements --
Gilas Pilipinas clarkson kai

Lumiliit ang tsansa na umabante sa second round ang Gilas Pilipinas team dahil sa pagkakaroon ng dalawang talo ngayon sa 2023 FIBA ​​World Cup.

Gayunpaman, hindi pa tapos ang laban para sa Pilipinas.

Matapos masilat ng Dominican Republic sa score na 87-81, at sa Angola sa score na 80-70, ang koponan ng bansa ay may score na 0-2 sa Group A.

Nangunguna na sa Group A ang Dominican Republic na 2-0, habang 1-1 naman Italy at Angola.

Kailangan naman maipanalo ng Pilipinas ang laban nito sa Italy sa Martes, upang manatiling buhay ang pag-asa na umusad sa susunod na round, na nakadepende rin sa magiging resulta ng laban ng ibang koponan.

Samantala, nagbunyi naman ang Japanese fans matapos na talunin ng kanilang team ang Finland sa score na 98-88, sa bakbakan ng Group E sa Okinawa Arena sa Japan.

Dahil sa pagkapanalo ng Japan kontra Finland, sila ang unang Asian team na nakapagftala ng panalo sa 2023 FIBA World Cup.

Importante ang magiging resulta sa standing ng Asian team sa World Cup dahil ang bansa na may pinakamagandang record ay makakalalahok sa 2024 Paris Olympics.