-- Advertisements --

Dumanas ng masaklap na pagkatalo ang Gilas Pilipinas sa kamay ng New Zealand 106-60 sa FIBA World Cup 2023 Asian qualifiers.

Hindi pinaporma ng NZ Tall Blacks ang Gilas Pilipinas sa kanilang sariling court sa Eventfinda Stadium sa Auckland.

Nanguna sa panalo ng New Zealand si Dion Prewster na nagtala ng 15 points habang mayroong 14 points, pitong rebounds si Finn Delany.

Mula sa simula ng laro ay hindi na pinaporma ng Tall Blacks ang Gilas Pilipinas.

Aminado si Gilas coach Nenad Vucinic na nahirapan sila sa mga New Zealand.

Nasayang naman ang naitalang 16 at limang rebounds ni Gilas player Carl Tamayo na dumanas ng ankle injury sa natitirang 7:50 sa laro.