-- Advertisements --
Desidido ang Gilas Pilipinas na maipanalo ang laban nila sa Angola sa nagpapatuloy na FIBA Basketball World Cup 2023.
Matapos kasi ang pagkatalo nila sa pagbubukas ng torneo nitong Biyernes kontra sa Dominican Republic ay makakaharap naman nila ang Angola ngayong gabi ng Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Magugunitang tinalo ng Italy ang Angola sa kanilang opening game.
Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na naka-move on na sila sa pagkatalo kontra Dominican Republic at nakatuon ang kanilang atensiyon sa Angola.