Makakalaban ng Gilas Pilipinas ang South Sudan sa pagsisimula ng FIBA World Cup classification round sa Huwebes sa Araneta Coliseum.
Ito ang una sa dalawang laro para sa Pilipinas, para sa pagtatangka nilang makakuha ng tiket sa 2024 Olympic Games sa Paris.
Para naman mapataas ang tsansa ng Pilipinas na makapasok sa Paris, kakailanganin ng Gilas na lampasan ang ikatlo at ikaapat na puwesto sa Group B sa mga pivotal matchup.
Sa ngayon ang South Sudan ay nasa sa ikatlong puwesto sa Group B na may 1-2 slate kasunod ng 115-83 na pagkatalo sa Serbia noong Miyerkules. Ito ang nagtakda sa kanila para sa sagupaan laban sa Gilas na nauwi naman sa pinakababa ng Group A standings na may 0-3 record.
Magsisimula ang laban 8 p.m. sa Araneta Coliseum.
Samantala, ang nationals’ next classification assignment ay laban sa Group B fourth placer China sa Linggo.
Katulad ng Gilas, wala ring panalo ang China sa Group B.
Tanging ang pinakamahusay na puwesto sa Asian team sa FIBA World Cup ang makakakuha ng Olympic berth.
Nakakuha na ang Japan ng head start sa iba pang Asian teams matapos ang unang round nito na may 1-2 record. Tinalo ng World Cup co-hosts ang Finland, sa score na 98-88, noong Linggo bago sila natalo sa Australia.