Umaasa si Gilas Center/Forward Japeth Aguilar na maipapanalo nila ang susunod na laban kontra team Angola(41).
Ito ay matapos ang naunang pagkatalo kagabi laban sa Dominican Republic Team, sa harapan ng halos 40,000 na basketball fans.
Ayon kay Aguilar, isang araw ang kanilang paghahanda para rito, at panibagong tyansa ang kanilang haharapin kasabay ng nasabing laban.
Ang 36 anyos na si Aguilar ay isa sa mga Gilas players na sumabak laban sa Dominican Team kahapon.
Bagaman isa siya sa mga batikang players ng Team Philippines, nalimitahan lamang siya sa kanyang playing time na 7:36.
Bukas ng gabi ay nakatakdang magharap ang Pilipinas(40) at Angola(41), ganap na 8:00 sa Araneta Coliseum.
Inaasahan pa ring pangungunahan ni Jordan Clarkson ang Team Gilas kontra sa Angola nauna na ring dumanas ng pagkatalo mula sa Team Italy(10) sa pinaka unang game ng FIBA Basketball World Cup 2023.