-- Advertisements --
Ipapaubaya na lamang ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang kaniyang kapalaran sa Samahang Basketball ng Pilipinas dahil sa mahinang performance ng koponan sa FIBA Basketball World Cup 2023.
Kahit na mayroong isang laban pa sila kontra sa China sa classification round ay nawala na sila sa listahan para sa Olympic spot.
Sinabi nito na tanging ang SBP ang magdedesisyon kung ipapanatili pa ba siya o tuluyan ng tatanggalin bilang head coach ng national basketball team.
Naniniwala si Reyes na mayroon pa ri ng magandang kinabukasan ang Gilas Pilipinas lalo na sa mga bagitong manlalaro ng mga ito.