TAMPAKAN, South Cotabato – Mas pinaganda ang pinailaw din muli na giant Christmas tree sa Tampakan, South Cotabato.
Sa isinagawang re-lighting ceremony, magsisilbi umanong “lights of hope” ang muling pagpapailaw ng nasabing Christmas tree sa gitna ng problema sa coronavirus pandemic.
Sumisimbolo rin umano ito sa katatagan ng mga mamamayan ng Tampakan na harapin ang problema dulot ng pandemya.
Sinasabing isa sa mga tourist spot sa bayan ng Tampakan ang dambuhalang Christmas tree na ginawa gamit ang mga recycled materials.
Nagpalabas naman ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Tampakan na nagtatakda sa bagong curfew hours simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw para masilayan ng mga residente ang Christmas tree tuwing gabi.
Sa ngayon, dinarayo ang malaking Christmas tree ngunit sinisiguro naman na sinsusunod ang health protocols.