-- Advertisements --
Hindi pa rin masisilayan ng mga NBA fans ang dalawa sa mga superstar players ng Milwaukee Bucks at Atlanta Hawks sa Game 6 bukas sa Eastern Conference finals.
Iniulat ngayon ng Bucks na ang kanilang two-time MVP forward na si Giannis Antetokounmpo ay nagpapagaling pa matapos na magtamo ng hyperextended left knee, habang sa Atlanta naman si Trae Young kuwestyunable rin kung makakasipot bunsod ng bone bruise sa kanyang kanang paa.
Dalawang games na rin na hindi nakakalaro si Giannis ganon din naman si Young.
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Milwaukee upang umusad na sa finals at harapin ang Phoenix Suns.