Pasok na muli sa playoffs ang NBA defending champion na Milwaukee Bucks matapos na talunin sa overtime game kanina ang Brooklyn Nets, 120-119.
Ito na ang ika-48 na panalo ng Bucks habang anim na lamang ang natitirang games ngayong regular season.
Bumida ang dating MVP na si Giannis Antetokounmpo na nagpakawala ng 44 points, 14 rebounds at six assists.
Ang naturang all-around performance ni Giannis ay nagbigay sa kanya ng bagong milestone upang lampasan ang NBA legend na si Kareem Abdul-Jabbar para maging Milwaukee’s career scoring leader.
Samantala sa kampo ng Brooklyn pinilit naman nina NBA superstar Kevin Durant na may 26 points, 11 assists at seven rebounds at si Kyrie Irving na nagpakita ng 25 points na maitumba ang karibal na Bucks pero kinapos sa huling sandali ng overtime.
Delikado ngayon sa pwesto ang Brooklyn Nets kaya naghahabol na kumapit sa huling pwesto sa NBA playoffs.