Gerphil Flores
Gerphil / IG post

Ipinagmalaki ni Gerphil Flores ang pagtatapos nito sa kolehiyo.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang hawak ang diploma mulasa University of British Columbia sa Vancouver, Canada.

Nagdesisyon ang 28-anyos na singer na mag-aral ng Art History noong 2016.

Unang nagtapos ito ng cum laude sa University of the Philippines College of Music sa Diliman, Quezon City.

Sa kaniyang social media ay hinikayat niya ang kaniyang mga fans na huwag mawalan ng pag-asa at ituloy ang pag-aral.