-- Advertisements --
Pasok na sa finals ng 2023 FIBA Basketball World Cup ang Germany matapos talunin ang USA 113-111 sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.
Sa unang dalawang quarter ay hindi makalayo ang Germany kung saan hawak pa ng USA ang lamang 60-59 sa pagtatapos ng first half.
Pagpasok ng second half ay doon na umarangkada ang Germany.
Ito na ang unang pagkakataon na makapasok sa finals ng FIBA ang Germany kung saan makakaharap nila ang Serbia sa araw ng Linggo.
Habang ang pagkatalo ay siyang pangalawang sunod ng US na makapasok sa finals.
Makakaharap ng US ang Canada sa araw din ng Linggo para sa third place.