Naideliver na ng Germany ang una sa apat na IRIS-T SLM air-to-air missile system sa Ukraine.
Ayon sa defense ministry ng Germany na ito ang unang naipangako nila sa Ukraine mula ng lusubin sila ng Russia.
Dagdag pa nito na ang mahalaga ito ngayon lalo na ang ginawang pag-atake ng Russia sa malaking bahagi ng Ukraine.
Sa mga susunod na buwan ay kanilang idedeliver ang natitirang air defense systems sa Ukraine.
Samantala nangako rin si US President Joe Biden na magbibigay din sila ng dagdag na advanced air defense system sa Ukraine.
Ito ang naging laman ng pag-uusap sa telepononi Biden kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Unang kinondina ni Biden ang ginawang missile attack ng Russia sa Ukraine na ikinasawi ng maraming sibilyan at ikinasira ng maraming mga gusali.