-- Advertisements --
chinese
Passengers wear protective masks to protect against the spread of the Coronavirus as they arrive on a flight from Asia at the Los Angeles International Airport, California, on January 29, 2020. – A new virus that has killed more than one hundred people, infected thousands and has already reached the US could mutate and spread, China warned, as authorities urged people to steer clear of Wuhan, the city at the heart of the outbreak. (Photo by Mark RALSTON / AFP)

Mahigpit na ring binabantayan ngayon ng bansang Germany ang mga biyahe nito patungo sa China.

Ito ay matapos ang na muling dumami ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 na naitatala dito makaraang pagaain ng gobyerno nito ang umiiral na virus restrictions sa nasabing lugar.

Kaugnay nito ay sinabi ng German foreign ministry sa isang pahayag na hindi muna nila hinihikayat ang kanilang mga kababayan na bumiyahe patungo sa China kung hindi naman anila ito masyadong mahalaga.

“We currently discourage non-essential trips to China. The reason is a peak in COVID infections and an overwhelmed health system,” ayon sa German foreign ministry.

Bilang bahagi ng pag-iingat nito laban sa muling pagkalat ng nasabing sakit sa kanilang bansa, ang Germany, at iba pang European nations kabilang na ang France, Italy, at Spain ay ipinatupad nang muli rito ang mandatoryong COVID-19 test requirements sa mga biyaherong magmumula sa mga Asyanong bansa.

Habang ang Estados Unidos at Japan naman ay ang mga bansang hindi kabilang sa EU nation ngunit kasalukuyan na ring nagpapatupad ng kaparehong mandato bilang pag-iingat pa rin laban sa nasabing virus.

Kung maaalala, una nang sinabi ng Chinese authorities na ang peak ng first wave ng COVID-19 infections dito ay naitala sa mga lungsod nito na Beijing, at Tianjin.

Ngunit kasabay nito ang babala naman ng mga opisyal ng nasabing bansa sa posibleng pagkakaroon ng multi-pronged outbreal sa mga darating na linggo dahil sa pagbalik ng mga manggagawa sa kanilang mga probinsya noong winter travel season.