-- Advertisements --

Inanunsiyo naman ng Germany na magbibigay ito $130 milyon na humanitarian aid sa Ukraine.

Isinagawa ni German Chancellor Olaf Scholz ang anunsiyo sa isinagawang video message sa isang conference sa Warsaw.

Dagdag pa nito na ang nasabing halaga ay makakatulong para lalong lumakas ang Ukraine laban sa Russia.

Magbibigay pa aniya ang Germany ng dagdag na $147-M para sa development financing.

Itinuturing kasi ang Germany na pangalawa sa pinakamalaking donor ng mga financial assistance sa Ukraine.

Pinasalamatan naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang Germany dahil sa mga donasyon nila.