Pumanaw na ang German director na si Wolfgang Petersen sa edad 81.
Ayon sa tagapagsalita nito, hindi na niya nakayanan ang sakit nitong pancreatic cancer at nalagutan ng hininga sa bahay nito sa Los Angeles, California.
Kilala si Petersen sa ginawa nitong pelikula gaya ng “Air Force One”, “Outbreak” at maraming iba pa.
Sa limang dekada ng kaniyang trabaho ay nakagawa ito ng mga pelikula na pinagbidahan nina Clint Eastwood, Dustin Hoffman, George Clooney, Harrison Ford at Brad Pitt.
Isinilang sa Emden, Germany noong 1941 kung saan unang matagumpay na pelikula nito ay ang “Das Boot” tungkol sa Battle of the Atlantic noong 1983.
Ang nasabing pelikula ay nakatanggap ng dalawnag Oscars nomination kabilang best director.
Matapos ang isang taon ay inilabas niya ang pelikulang “The NeverEnding Story”.
Nagpaabot naman ng kanilang mga pakikiramay ang mga artista na nakasama ng beteranong director.