Tila idinaan lamang ni Gerald Anderson sa pasimpleng pananabla ang buwelta sa rebelasyon ng isang dating broadcaster na umano’y nabuntis niya si Julia Barretto.

Sa tinatawag na IG story, walang direktang tinukoy ang 31-year-old actor sa
pahayag nito na “congratulations to me” na sinundan ng fist bump, smiley, at praying emojis.

Tulad ni Barretto, mayroon ding “fake news” statement si Anderson.

Una nang direktang pinabulaanan ng 23-year-old actress ang nasabing isyu kasabay ng pag-post ng kanyang whole body picture kung saan ibinalandra pa niya ang kanyang abs.

Ilan sa mga kamag-anak, kapwa celebrity at fans nito ang dumamay sa pagsubok daw sa young actress, pero mayroon din namang mga kumwestyon na baka lumang picture lang daw ang ipinost ni Julia.

Nitong mga nalakalipas na linggo ay kumalat sa internet ang larawan ni Julia, na umanoy’ kasama ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo sa private resort nito sa Zambales.