-- Advertisements --

Nakapagtala ng kapansin-pansing pagbaba sa net inflows ng foreign direct investments (FDI) sa Pilipinas, na pumalo lamang sa US$443 milyon noong Enero 2026, sa gitna ng patuloy na pangamba sa umiigting na geopolitical risks sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang naitalang halaga ng pumasok na puhunan sa unang buwan ng kasalukuyang taon ay mas mababa kung ikukumpara sa datos na nakuha sa kaparehong panahon noong Enero 2025.

Ipinapakita ng mga opisyal na talaan na malaki ang naging epekto ng mga pandaigdigang tensyon sa naging pasya ng mga banyagang mamumuhunan, na nagdulot ng pag-atubili at pagbagal sa pagpasok ng pondo sa merkado ng Pilipinas.

Sa kabila ng pangkalahatang pagbaba ng mga pumasok na pondo, nananatiling matatag ang kumpiyansa ng ilang bansa.

Lumalabas sa ulat ng BSP na ang Japan pa rin ang nangunang pinagmulan ng mga pamumuhunan para sa nasabing buwan.

Bukod sa Japan, nakatanggap din ang bansa ng mga equity capital placement” na nagmula sa Estados Unidso at South Korea.

Ayon pa sa datos, ang bulto ng mga pondong ito ay direktang ibinuhos sa sektor ng manufacturing, na patuloy na itinuturing bilang isa sa mga pinakamahalagang haligi sa paglago ng pambansang ekonomiya.

Maliban dito ay nakinabang din sa mga nasabing pamumuhunan ang mga sektor ng real estate gayundin ang wholesale and retail trade