-- Advertisements --

GENERAL SANTOS – Muling isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang lungsod ng General Santos (GenSan) dahil nagpatuloy ang pag-akyat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases.

Sinabi ni Gensan Mayor Ronnel Rivera na pumangalawa pa rin ang lungsod sa SocSKSarGen Region na may pinakamaraming kaso sa nasabing sakit.

Kahapon muling nadagdagan ito kayat umabot na sa 162 ang nagpositibu habang sinusundan ang South Cotabato na mayroong 264 na kaso habang 105 ang nasa kritikal na kondisyon at 50 pa lamang ang nakarecover.

Kahapon nagpalabas ng Executive Order No. 45 si Gensan Mayor Ronnel Rivera para isailalim sa GCQ ang lungsod simula bukas.

Dahil dito mananatili ang barangay clustering, odd-even scheme at paggamit ng quarantine pass.

Ilalim sa GCW mananatiling bukas ang negosyo subalit nariyan pa rin ang pag oberba ng social distancing at iba pang health protocol.

Suspendido din ang public transport papasok at palabas ng lungsod subalit bukas naman ang ekonomiya.