Nagsagawa ng online concert si Geneva Cruz para makalikom ng pondo sa nanay niya na dinapuan ng COVID-19.

Sinabi nito na ang jamming session sa kaniyang YouTube Channel ay para sa ina niya na nasa malubhang kalagayan sa pagamutan matapos dapuan ng virus.

Nagpost din ito ng larawan nila ng inang si Marilyn Cruz na siyang sumuporta sa kaniyang careert at naging best grandma sa mga anak ng singer.

Mayroon na kasi itong sakit na diabetes at hypertension kaya naging matindi ang pagtama ng COVID sa kaniya.

Pinayuhan din nito ang kaniyang mga fans na manatili na lamang sa kanilang mga bahay para hindi na mahawaan ng virus.