-- Advertisements --
Agad humina ang tropical depression Gener at naging low pressure area (LPA) na uli, makaraang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) nitong Huwebes ng umaga.
Ayon sa ulat ng Pagasa, naapektuhan ito ng ibang weather system habang nasa silangang bahagi ng ating bansa.
Una nang binanggit ng weather bureau na hindi naman ito tatama sa land area ng Pilipinas.
Huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 840 km sa hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Samantala, asahan namang magdadala ng ulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao ang umiiral na intertropical convergence zone (ITCZ).
















