Gazini introduction

Dagupan City- Naniniwala ang isang Pageant Enthusiast at fashion Designer mula dito sa lalawigan ng Pangasinan na malakas ang laban ng pambato ng pilipinas na si Gazini Ganados sa Miss universe 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Glennze Mark Taguiang Aquino, Pageant Enthusiast and fashion Designer sa Pangasinan, advantage ni Gazini ang taglay niyang kagandahan, at determinadong maipapanalo niya ang laban.

Naniniwala rin si Aquino na mahigpit na makakatunggali ng pambato ng bansa si Miss Puerto Rico dahil siya ay pinag uusapan sa social media.

Kumpiyansa naman siyang pinaghandaang maigi ni Gazini ang Q & A portion.

Nanawagan siya sa lahat ng Pilipino na suportahan ang pambato ng Pilipinas sa darating na pageant.

Gaganapin ang Miss Universe 2019 pageant sa December 9 kung saan tatangkain ni Gazini ang first back-to-back win para sa Pilipinas.