-- Advertisements --

Walang patawad ang NBA reigning champeon na Toronto Raptors upang tambakan ang Washington Wizards, 140-111.

Umiskor ng season high na 20 points ang nagbabalik na si Marc Gasol mula sa injury kung saan napantayan din niya ang dating record na anim na 3-pointers.

Si Norman Powell ay tumulong din sa pamamagitan ng 28 points.

Umabot sa 22 na 3-pointers ang nagawa ng Raptors para iposte ang bagong record ng prangkisa.

Sa ngayon gumanda pa ang record ng Raptors na 27-14 nitong season, samantalang lalong nanamlay sa 13-28 ang Wizards na tumipon pa ng worst 28 turnovers.