GARDO WEDDING
Gardo Versoza/ IG post

Ikinasal na ang actor na si Gardo Versoza sa longtime partner nitong si Ivy Vicencio.

Sa kaniyang Instagram nagpost ng larawan ang actor sa simpleng seremonya ng kanilang kasal na isinagawa sa Pampanga.

May caption pa ito na hindi basta mapaghihiwalay ang kanilang kasal dahil sa ito ay binasbasan na.

Nauna rito noong Pebrero ay nagpropose ang actor sa kaniyang kasintahan.

Nagsasama ang dalawa ng mahigit 13 taon kung saan sila ay may anak na si Deity Uziel.